
Noong ako`y isang taong gulang pa lamang,sabi ng nanay ko ay ang panget ko daw nung bata tapos ang itim ko pa at ang payat din,pero habang lumalaki daw ako ay nagbabago naman ang kulay at mukha ko.Ayaw ko nga noong maniwala na panget ako dati at umiiyak pa ako pag sinasabi nila sa akin `yon.
Noong anim na taong gulang na ay pinasok ako ng aking nanay sa kinder.Tanda ko noong nagtuturo ang aming guro ay palaggi kong kinakain ang baon kaya naman `pag dumating na ang oras ng aming recess ay wala na akong pagkain kaya naman nanghihingi na lang ako sa aking bunsong kapatid ,kaklase ko kasi noon ang aking kapatid pero saling pusa lamang ito.Pag uwi namin ay nagsusumbong ito dahil halos ako na ang nakakaubos ng kanyang baon gayong may kanya kanya kami.
Nag-aral ako ng grade 1 hanggang 3 sa Guadalupe Elem. School sa aming baranggay.Maraming nangyari sa akin noong ako`y nag-aaral pa sa eskwelahang ito,katulad ng nakikilala akong mga kaibigan ,syempre kung may kaibigan ay din kaaway.Naranasan ko rin ang mapatawag sa Principal Office dahil nga sa mga kaaway ko at dahil dun ay naiistorbo ang aking mga magulang na noon ay nagtatrabaho upang may maipakain at ipabaon sa amin magkakapatid.Minsan pati ay nanakit ang guro at punong guro namin,ako ang napag bubuntungan ng kanyang galit,napakakulit ko daw kasi na kahit na ang teacher ay galit na dahil sa kaingayan ng mga studyante ay tuloy pa rin ako sa pakikipag-daldalan at pakikipag kulitan sa mga it0 at tawa pa ng tawa,kaya no0ng ako`y nakita ay kinurot nito ang aking tenga at agad itong dumugo,pagkatapos noon hindi na ko sumagot o umimik man lang sa klase nya at dahil dun ay bumaba ang ilang grado ko,kasama na ang kanyang asignatura.Kaya nagdisisyon ang magulang ko na ilipat kami ng aking mga kapatid ng ibang skwelahan.Ipinagpatuloy namin ang amming pag-aaral sa skul na malapit sa aming bahay at walang nanakit.sa Ambray Elem. School.Unang araw namin sa ay mas marami akong naging kaibigan`di tulad sa dati naming skul.kasi parang sa tingin ko ay mas maarte pa yung mga studyante doon kaysa dito sa Ambray.
Nag-aral kami mula grade 4 hanggang grade 6 sa Ambray.Noong grade 5 naman ako ay naging masaya din ako lalo na noong pumunta kaming buong pamilya sa pinakamasayang lugar para sa akin ang Enchanted Kingdom noong Oktubre 9,2005.Ang saya-saya namin noon kasi buong-buo ang pamilya namin.Tanda ko noong nawala ako sa Enchanted dahil ayaw kong umalis sa paborito kong rides na Flying Fiesta,gabi pa naman noon.nung umaga pa noon ay una naming sinakyan yung itlog,pinababa na kami noon ng bunso kong kapatid nung operator pero sabi namin isa pa naka-5 ikot yata kami noon,pagbaba naman namin ay halos hindi na kami makalakad.

Pagkatapos naman ng isang linggo ay nag-swimming naman kami sa Calamba kasama ang kuya-kuyahan naming hapon,si kuya Mineo Ogawa ang bait bait lya lalo na sa bata,noong ngang unang dating nya dito sa maynila ay ipinamili njya kaagad kami ng mga damit ng aking mga kapatid.sa katunayan nga halos sya na lahat ang bumili ng aking damit na suot ko noong pumunta kami sa enchanted,sya din kasi ang nagbayad ng entrance namin.
Noong nagswimming kami sa Calamba

Noong ako`y nakapag-enroll sa high shool bilang 1st year ay kasama ko noon ang aking ama at ina May 6 ang enrollment noon kaya umabot pa ang papa ko sa pag-papaenroll sa akin.Unang araw ko pa lamang sa high school ay parang ayoko nang pumasok kinabukasan dahil nahihiya pa ako kasi wala pa akong kakilala kung hindi yung mga ka-batchmate ko noong nasa elem pa ako syempre hindi ko naman ka-close yyung lahat.Nag 2nd year ako ay marami na akong nakilala hanggang mag 3rd year ako ay may organisasyon akong sinalihan ito ay ang C.A.T o Citizenship Advancement Training na pinamumunuan ni Mr.William E. Marfori,na enganyo akong sumali kasi nakita ko maraming guro ang natutuwa sa maga volunteers at officers nito pati masaya kasi marami akong makikilalang mga bagong kaibigan at crush.

Noong ako`y 4th year ako ya may naging crush ako si Jeric Philippi Musa,kaso parang wala akong dating sa kanya kaya ibinaling ko na lang ang pagtingin ko sa iba.Naghanap ako nung nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako at pag nakikita ko sya ay nagiging masaya ako.Si Lopez na yun kasi sya lang naman ang kaligayahan ko naramdaman kong mahal ko sya nung kami ay nasa summer training kami.Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya maalis sa isip ko at `di ko sya kayang alisin,kahit matapos kami ng high school walang papalit sa kanya dito sa puso ko.I want to stay with him,and look him lot a very long time.Hinding-hindi ko babaguhin ang pagmamahal ko para sa kanya.Gagawin ko ang lahat para makasama kko sya sa habang buhay.

No comments:
Post a Comment