Friday, February 18, 2011

Makulay na Buhay

(talambuhay ni Camille Aira G. Alega)





this is me .. :)

Ako ay si Camille Aira G. Alega labing-anim na taong gulang, na katira sa P. Alcantara St.,San Pablo City,Laguna. Ipinang-anak ako noong Setyembre 27,1994 sa Brgy. Concepcion San Pablo City.Ang aking mga magulang ay sina Chona Alega at Reynaldo Alega. May dalawa akong kapatid sina ramon at Isabel. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid.Nagsimula ang buhay ko sa pag-iibigan ng nanay at tatay ko eto ang kwento ng buhay ko….

Nagsimula ang pag-iibigan ng aking mga magulang nang minsan may nang liligaw ky inay isang “seaman” ngunit hindi ito gusto pero patuloy pa din. Makaraan ang ilang araw ay nagpasama si “seaman” sa tatay ko isang “trycicle driver” lang. Ngunit nang nanliligaw si “seaman” kay inay, nakapokus ang tingin ni inay kay tatay. At makaraan ng ilang araw ang tatay ko naman ang naligaw ngunit hindi alam ni “seaman”. Pero ayaw ng pamilya ni inay kay tatay dahil ito ay isa lamang “trycicle driver”at “high school graduate” lang ang natapos. Hindi nagtagal sinabi na nila ang totoo kay “seaman” at natanggap naman niya ito ng maluwag. Sa tagal na din nila ni tatay ay natanggap na ito ng pamilya ni inay at pagkatapos ni inay sa kolehiyo ay nagpakasal sila ni tatay.

ako at kuya

Nang makalipas ang isang taon ay iniluwal ni inay sa sinpupunan ang una nilang anak ni tatay,isang lalake ngunit may kapansanan ito sa paa dahil pinaglihi ito sa sambot ng manok. Hindi naman ito nagging hadlang sa kuya ko nakakapaglaro pa ito,tulad ng habulal at mahilig din magbasketbol. Apat na taon naman ang nakalipas ipinanganak naman ni inay ang isang babae na ang “cute cute”, maputi at malusog nang lumaki na ay nag-iba ang lahat at ako ito. Isang taon naman ang nakalipas ipinanganak naman ni inay ang isang babae na naman na super kulit at taray ito ay ang aking bunsong kapatid.

1st b-day ko

nung bininyagan ako at si inay

baby ako

Dito ko na sisimulan ang kwento ko. Nung “baby” pa ako ay daming nag-alaga sa akin dahil parehas naghahanap buhay ang nanay at tatay ko. Nang ako ay apat o limang taon super kulit ko daw at ang dami kong nagging kaibigan at kalaro. Ang hindi ko makakalimutan ang isa sa mga kaibigan ko na nasa Aklan ngaun. Pagnaulan kc madalas kami maligo, naglalaro sa sanaw at pagmaababanlaw naman ay sabay pa din kami. Pagkaraa ng isang taon ay umalis na sila sa San Pablo at bumalik na sa Kalibo, Aklan.Hindi ko din makakalimutan ang amin pagkakaibigan.

Minsan iniwan kami ng nanay at tatay sa lola ko, pagsapit ng tanghalian ay pinatutulog kami ngunit ayaw naming kaya ang ginawa naming ng kapatid ko ay umikot ng Subd. at tumakbo dahil my dalang pamalo si lola nang matapos namin magpahabol ay daretso kami sa bahay naming sabay saran g pinto. Sasabihin ng lolo naming “wag kayong lalabas” habang natawa kami ng kapatid ko. Pagkaalis ni lola bubuksan naming ang pinyo at lumabas kami, dahan dahan kaming naglakad sa harapan ng bahay ni lola para hindi kami makita.

Sumapit na ang anim na taon ko ay pumasok na ko ng kinder at di ko makakalimutan sa sobrang kulit naming ay nagalit ang guro naming at pinagsarhan kami ng pinto. Umiyak ang iba kong kaklase at ang isa naman ay nagpumilit pagkasyahin ang katawn sa butas ng pinto at ito ay nagkasya, ito ay si Weiland isa sa mga nagging kaibigan ko nakain pa yan ng damo daig pa ang kambeng. Nang malapit na an gamin “graduation” ng kinder tnanong kami ng guro naming kung an ang gusto naming paglake at ang akin ay guro,ang iba naman ay pulis. Habang ako ay nagsasalita sa unahan ay na utal ako angsabi ko pa nga ay”pwede po bang ulitin” iba ang naramdaman ko noon parang napahiya ako.

Minsan pinapili ako ni inay kung san daw ako papasok ng elementary sa Concepcion ba o sa Central, ang sabi ko sa Concepcion ngunit hindi pumayag si inay baka daw mapabarkada ako at baka masira ang pag-aaral ko. Nang pumasok na ako sa Central nahirapan ako makahanap ng kaibigan kaya madalas ako hindi na pasok tatanong ng nanay ko “bakit hindi ka pumasok” ang sabi ko naman ay “masakit ang ulo”.

7th b-day ko.

Pauline,Isabel,Bulet

Nang magpitong taon ako kasama ko sa letrato ang isa sa mga kaibigan ko si Pauline. Ang saya ko nang araw ng kaarawan ko nagdatingan mga pinsan ko taga malayo. Makaraan ang ilan buwan sa hindi inaasahn ay binawian ng buhay ang lolo ko sa kanya kmi madalas humingi ng pera at inaabangan namin sa sa kanto upang humingi pagpanalo sa sabong limang piso ang ibibigay samin.

Grade 2 ako nang minsan mag-aalasais na ay hindi pa kmi kinakaon ni inay sa iskul buti na lang kasama ko kuya ko,paiyk na sana ako nun, dahil natatakot ako. At madalas pumunta sa miting naming si tatay dahil lagging bisi sa trabaho si inay. Grade 5 naman ako lagi kami natambay sa oval ng mga kaklase ko at ang hindi ko makakalimutan ayang mga estudyante ng Bagong Pook ay nambato ng bato natamaan ang isa kong kaklase sa ulo at ito ay dinala sa hospital upang tahiin ang sugat. Sa edad kong ito sari saring laro ang nalalaro ko tulad nang pogs,lastik at iba pa. Si Alysa ang madalas kong kapara sa mga laro. Nauubos ang pera ko sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Naalala ko noon panalo ako sa lastik pinagbenta ko pa, bagos pagnaubos ako naman ang bibili sa kanila.

Nang sumapit ako ng secondary ay maraming nagbago sakin halos hindi ko na nakakasama mga kaibigan ko dahil nakakita ako ng bago halos araw-araw nasa lake kami at nagbabike, nagkataon naman ay yung palda ko naipit sa kadena at nung umuwi na ako ay napagalitan ako ni inayat para daw tinahi ang palda ko. Madalas ako noon pagalitan dahil sa sobrang tigas ng ulo ko. Pag mag-uutos sina inay ay dapat may upa pag-ala hindi nila ako nautusan.

relatives ko

mga pinsan ko

Anna,Isabel,Ate Carmela,Ate P.A at ako

.

Ito ang letrato namin sa Paraiso Beach Resort sa Sariaya, Quezon. Taon taon nandyan kami ng mga pinsan ko. Nang huhuli pa kami ng dikya na sobrang kate. Ibang saya pa din pagbuong pamilya ang magkakasama.

“3rd year” ako ng madapuan ako ng sakit kalahating buwan akong hindi nakapasok noon dahil sa typhoid. Hindi alam ni inay kung anung gagawin nya sa sobrang pag-aalala at nagkataon naman na paalis noon si inay papuntang ibang bansa. Pagkaraan ng isang araw ay ihahatid na naming si inay pero ang sama pa din ng pakiramdam ko. Kaya hindi ko alam kung ano gagawin.

Noong umalis si inay dami na nagbago samin nabibili nga naming ang gusting bilhin pero ang saya pagbuo ang pamilya. Naiinggit nga ako pagnag-uuwian mga tita ko pero dapat naming tiisin kasi para samin yun .

4-d

Ngayon 4thyear ay natutuwa ako dahil sa tagal nang panahon na gusto kong makatapos ng sekondarya ay mangyayari kung ako ay makakapasa. At kasabay ko pang gragraduate ang kua ko. Kaso sa tatlo kong kaibigan na nakatampuhan ko ay ilan buwan na din kami hindi nag-uusap hanggang ngayo. Dito ko na tinatapos ang kwento ko. Salamat pos a pagbasa.!!





No comments:

Post a Comment