Tuesday, February 15, 2011

Ang Batang Puno ng Pangarap

(Talambuhay ni Alvin L. Bigata)

Ako si Alvin L.Bigata ng agosto ika 25 ng 1993 pinanganak ako sa simple naming tahanan ng tabon tabon irosing sorsogon pangatlo ako sa pitong magkakapatid . pangkaraniwan lng an gaming pamumuhay mag sasaka ang aking ama na si Gilyermo Bigata at ang aking ina na man ang nag aalaga sa amin mag kakapatid na si Avilina Bigata . Masaya na man kami sa araw araw na lumilipas kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

Ng bata pa ako sabi ng aking ina ay gala raw ako kung saan saan ako pumupunta inaabot kami ng mga kaibigan ko sa labas ng gabi kaya madalas akong mapalo noon lagi kaming kumukuha ng bayabas sa bukid. Natatandaan ko pa nga ng minsan akong umuwi ng gabi sa amin bahay dahil naligo kami sa ilog ng bata pa ako napalo pa ako ng aking ama. Ng tumungtung ako ng grade1 sa Tabon-tabon Irosing Sorsogong Elementary School marami akong natutuhan sa aking mga guro magbasa, magsulat. At magbilang.
masaya ako dahil marami na akong kalaro pagkatapos ng aming pag aaral at ng mag grade 2 ako sa tabon –tabon nasubok ang katatagan ng aking pamilya nakulong ang aking ama dahil nahuli itong nag puputol ng puno o illegal lagin.

Ng bata pa ako

Mahirap ito para sa amin lalong lalo na sa aking ina dahil ang aking ama ang naghahanap buhay sa aming pamilya. Mahirap ang buhay namin dahil nga nakakulong ang aking ama wala kaming pinagkukunan ng pera para matustusan ang aming pangangailangan kaya naman nag pasya ang aming ina natumira muna kami sa aming lolo at lola.

Ng tumungtong ako ng grade2 ay nakatira ako sa aking lola alis at ang iba kuna man kapatid ay nakina lola Nayda at ang aking ina ay nag hahanap buhay. Nag pasya ang aming lolo na sa tita ko na ako tumira dahil nga matanda na sila pinapunta ako ng aking lolo dito sa san Pablo para mag aral kasama ng aking tita o tinatawag kong ngayong mama delfs. Ng una ko palamang dumating dito sa san Pablo ay mahirap dahil kailang mong makisama sa mga tao sa buhay mo pero unti-unti kay natutuhan ko narin makisama sa kanila dito na rin sa san Pablo ako nag grade 3 sa san
Pablo central school section 14 ako.


JS prom. ng 3rd year ko

Upang maipag patuloy ko ang aking pag aaral. Naging guro ko noon sa Miss.Whung nahirapan akong nag adjust dahil iba ang salita dito sa san Pablo kaysa sa bicol pero dahil na rin sa tulong ng aking guro ay natutuhan ko na rin ang salita dito. Masaya ako dahil marami akong nagging kaibigan palagi nga kaming nag lalaro ng sekyo pag kakaayas na min galing sa school. natapos ang taon dun narin ako nag grade 4 5 hanggan grade 6 ako. Isa sa diko malilimutan ay ng malapit na ang pag tatapos ko ng elementarya Masaya na may


halong kaba dahil panibagon buhay na man sa high school.habang tumatagal ay nakasanayan ko na dito sa san Pablo mahirap man na mawalay sa pamilya dahil nga hindi ko nakikita ang aking mga magulang halos 9 years ko na silang hindi nakikita. At ng pumasok ako sa dizon high ay kabado ako dahil panibagong kaklase bagong guro pero Masaya dahil nakaabot ako ng high school. Habang tumatagal ay unti unti ko ng nakikila ang aking mga kamag aral marami na rin akong nagging kaibigan ko.



Hanggang matapos amg taon ng first year ko bilang section d. ng secong year ako Masaya sapagkat nakasali ako sa volley ball team ng dizon high mahirap sya dahil lagi kaming pagod pero Masaya dahil sa pag lalaro ay marami akong nagging kaibigan ko. Nagging 4th lang kami noon. Lumipas ang mga araw ay naging 3rd year ako sa dizon high. Hindi parin nag iiba ang section ko D parin ako naging adviser ko noon si Gng. Lydia Gonzales. Masaya dahil naranasan na min ang JS prom halos kasali kaming lahat ng aming kaklase. Hanggang matapos ako ng 3rd year nalungkot ako dahil marami sa aming mga kaklase ay nag iba ng mga section. Kay hito ako ngayun bilang 4th year student ng dizon high dahil pinangako ko sa sarili ko na makakapagtapos ako ang pag aaral para matulungan ko ang aking pamilya at mapag aral ko ang aking mga kapatid o! pano hanggang dito na lang muna at patuloy ko pangtutuparin ang aking mga pangarap.

Ang Aking Pamilya







No comments:

Post a Comment