Sunday, July 24, 2011

berding kwadirno

Pisara

Pisara



Sa aklat na luntian/ ang isinulat: luha

Kaya walang mabasa/kahit isang talata

Kinabisa’t inisip/mula pa pagkabata

Tumanda’t nagkauban/hindi mo maunawa



Pansin ko ay nabaling/subalit naisulat

Sa pisara ng isip/isang bunton ng layak

Ito’y luntiang kulay/at may kwadradong sukat

At basahang pambura/sa yesong nakasulat



Ang tabla kulay berde/ang tangan ay yeso

Sinulat A,B,K,D/kumpas ng aking guro

Hated ay karunungan/mga nais matuto

Inilagay sa isip/pati na sa puso



Kahit may kalumaan/ito pa rin ay gamit

Sa mga alphabeto/malaki o maliit

Pang unawa’y lawakan/sa isipan sumiit

Sa malapad na pader/ito ay nakadikit



Maraming kabataan/sa iyo’y umaasa

Batid ay kaalaman/bata man o matanda

Huwag sanang mabigla/kung tao ay dumagsa

Dahil hangad lang nila/matutuhang maganda



Nakasulat sa aklat/doo’y ipaglilipat

Para sa harap niyo’y/maging karapat-dapat

At sa karunungan ay/hind imaging salat

Kahit kaninong tao/pwede na rin itapat



Sa iyong unang tingin/parang walang halaga

Hindi mo ba naisip/lahat ng nakapasa

Ito’y kanilang gamit/noong sila’y bata pa

At nagiging sulatan/ng bawat letra


Iyo ring pag-isipan/tunay na kahulugan

Ng malaking pisara/sa tuwing susulatan

Nag karoon ng laman/para itong larawan

Ng isang kabataan/marami nalalaman



Itong mga pisara/ay gamitin ng tama

At baka sa hulihan/marahil magsisi ka

Hindi mo na mabasa/dahil ito ay sira

Kaya munting piraso/na lang ang natitira





Ito’y iyong punuin/ng mga kaalaman

Para rin nag karoon/ng silbit kabuluhan

Upang lahat kayo ay/mayroong matutunan

at ito ay magamit/sa ting kinabukasan

para kay paring cortez

Tula ni paring cortez

Pabula

Ito ay likha lamang ng ating guniguni

sa kabila ng lahat itoy di mangyayari

Karaniway ang hayop ang gumaganap dito

Minsay sinasamahan ng karaniwang tao



Ang mga kwentong itoy sa kanila ay batid

sa mga batang isip kaalaman ang hatid

katulad ng pilandok na muntik ng mapiit

dahil samga taong ditoy galit na galit



Ito ay panitikan na tawag din ay kata

Kung ating babasahin itong kwentong pabula

Na may kababalaghan at kwento ring masaya

Kapupulutang aral ng mga munting bata



Ang layuning pabula magpasaya ay likas

Sapagkat nag-aangking kariktang walang kupas

Kung siya ay lilikha may akday tinitiyak

Kapag itoy nabasa sa isip ay tatatak



Itong uring salaysay ipag ukol sa bata

Upang ang kaisipan ay palawaking kusa

Kahit itoy katha lang itong uring pabula

Pagyamaning nilikha ang paraang mabisa



Dapat pag ibayuhin ang kalamang hatid

Ang lahat ng salita na kaloob ng langit

Sa kwentong lumilikha salita syang naggawad

Nararapat syay tawaging isang huwad



Kung tayo ay kakatha ng sariling pabula

Ating itong alamin mga tamang pag gawa

Upang ang kaalamay iparating sa bata

Kalulugdan ngmadla ang sariling nilikha



Kung ating pakikigan itong kwentong salaysay

Kahit kathang isip lang itoy ay parang tunay

Mga kwentong nilikha katulad o kabagay

Ang mga kadungay sa atiy ibinigay



atin itong ihandog mga munting pabula

upang sa mga bata ay mag bigay ng tuwa

tayoy mag pasalamat sa lahat ng biyaya

ang pabulang nilikhay tunay na mahiwaga



tuad ng mga wika na dapat tangkilikin

itong kwentong pabula nakaloob sa atin

ang nilalaman nito tayo ay pasayahin

ating pagibayuhin at itoy pag yamanin

Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Mary Jane Canape ( Ang Nagmamahal kay Lopez )

Noong buwan ng oktubre 12,1994 ay isinilang ang sanggol na pinangalanang Mary Jane C. Canape nina Evelyn M. Caturse at Mario M. Canape.Habang nanganganak ang aking ina ay kasalukuyang naglalaba ang akinAyaw ko g ama ng aming mga damit,nang marinig nya ang sigaw ng aking ina ay halos lumipad na daw upang makarating kaagad sa kinaroroonan nito at balak pa sana dalhin ng aking ama ito sa ospital pero pumutok na daw ang panubigan nito kaya napilitan na ang aking ama na tumawag ng mag papaanak.Mabuti na lang ay mayroon kaming kapit-bahay na marunong mag paanak



Ito ang aking pamilya

Noong ako`y isang taong gulang pa lamang,sabi ng nanay ko ay ang panget ko daw nung bata tapos ang itim ko pa at ang payat din,pero habang lumalaki daw ako ay nagbabago naman ang kulay at mukha ko.Ayaw ko nga noong maniwala na panget ako dati at umiiyak pa ako pag sinasabi nila sa akin `yon.

Noong anim na taong gulang na ay pinasok ako ng aking nanay sa kinder.Tanda ko noong nagtuturo ang aming guro ay palaggi kong kinakain ang baon kaya naman `pag dumating na ang oras ng aming recess ay wala na akong pagkain kaya naman nanghihingi na lang ako sa aking bunsong kapatid ,kaklase ko kasi noon ang aking kapatid pero saling pusa lamang ito.Pag uwi namin ay nagsusumbong ito dahil halos ako na ang nakakaubos ng kanyang baon gayong may kanya kanya kami.

Nag-aral ako ng grade 1 hanggang 3 sa Guadalupe Elem. School sa aming baranggay.Maraming nangyari sa akin noong ako`y nag-aaral pa sa eskwelahang ito,katulad ng nakikilala akong mga kaibigan ,syempre kung may kaibigan ay din kaaway.Naranasan ko rin ang mapatawag sa Principal Office dahil nga sa mga kaaway ko at dahil dun ay naiistorbo ang aking mga magulang na noon ay nagtatrabaho upang may maipakain at ipabaon sa amin magkakapatid.Minsan pati ay nanakit ang guro at punong guro namin,ako ang napag bubuntungan ng kanyang galit,napakakulit ko daw kasi na kahit na ang teacher ay galit na dahil sa kaingayan ng mga studyante ay tuloy pa rin ako sa pakikipag-daldalan at pakikipag kulitan sa mga it0 at tawa pa ng tawa,kaya no0ng ako`y nakita ay kinurot nito ang aking tenga at agad itong dumugo,pagkatapos noon hindi na ko sumagot o umimik man lang sa klase nya at dahil dun ay bumaba ang ilang grado ko,kasama na ang kanyang asignatura.Kaya nagdisisyon ang magulang ko na ilipat kami ng aking mga kapatid ng ibang skwelahan.Ipinagpatuloy namin ang amming pag-aaral sa skul na malapit sa aming bahay at walang nanakit.sa Ambray Elem. School.Unang araw namin sa ay mas marami akong naging kaibigan`di tulad sa dati naming skul.kasi parang sa tingin ko ay mas maarte pa yung mga studyante doon kaysa dito sa Ambray.

Nag-aral kami mula grade 4 hanggang grade 6 sa Ambray.Noong grade 5 naman ako ay naging masaya din ako lalo na noong pumunta kaming buong pamilya sa pinakamasayang lugar para sa akin ang Enchanted Kingdom noong Oktubre 9,2005.Ang saya-saya namin noon kasi buong-buo ang pamilya namin.Tanda ko noong nawala ako sa Enchanted dahil ayaw kong umalis sa paborito kong rides na Flying Fiesta,gabi pa naman noon.nung umaga pa noon ay una naming sinakyan yung itlog,pinababa na kami noon ng bunso kong kapatid nung operator pero sabi namin isa pa naka-5 ikot yata kami noon,pagbaba naman namin ay halos hindi na kami makalakad.

Noong kami`y nasa Enchanted


Pagkatapos naman ng isang linggo ay nag-swimming naman kami sa Calamba kasama ang kuya-kuyahan naming hapon,si kuya Mineo Ogawa ang bait bait lya lalo na sa bata,noong ngang unang dating nya dito sa maynila ay ipinamili njya kaagad kami ng mga damit ng aking mga kapatid.sa katunayan nga halos sya na lahat ang bumili ng aking damit na suot ko noong pumunta kami sa enchanted,sya din kasi ang nagbayad ng entrance namin.



Noong nagswimming kami sa Calamba

Noong Graduation namin



Noong kami`y nagbabakasyon na ay madalas kaming namamasyal,minsan pumupunta kami sa lake,basta gala-gala lang.Pero noong Mayo 24,2007 alas-9 ng gabi ay nangyari ang `di namin inaasahan,napatay ang aming ama sa `di masabing dahilan ,kasalukuyan kaming nanonood ng aking mga kapatid ng tapusan samantalang ang aking ina ay nasa aming bahay kasama ng aking pinsan .Naagtaka ako noon kung bakit nagtatakbuhan ang aking mga kapatid noo,tapos tapos nagtanong-tanong ako sa mga tao kung bakit sila nagtakbuhan pabalik sa amin .May nagsabi na nahuli daw ang papa ko,may napagtanungan din ako na nabangga daw,pero yung huli kong napagtanungan ay nagsabi na "binaril ang ama mo",pagkarinig ko noon ay mabilis akong tumakbo at sa bilis kong tumakbo ay halos hindi ko na maramdaman na tumatapak ako sa lupa muntik pa nga rin akong makagat nang sao pero hindi ko na napansin yun basta ang nasa isip ko noon ay makarating agad ako sa papa ko noon.Nanlamig ako ng makita kong halos maligo na sa sarili nyang dugo ang ama ko,nilapitan ko sya at tinangka ko pang buhatin dahil naramdaman kong tumitibok pa ang pulso nito sa leeg,at nang hindi ko sya kayang buhatin ay naglupasay na ako sa sahig,pag uwi ko sa amin ay punong-puno ng dugo ang akking katawan,ako kasi ang paboritong anak nya kaya ganon na lang ang pagmamahal ko din sa kanya,at dahil din sa pagkamatay ng aking ama ay labis nalungkot ang aking ina pati na rin ang aking mga kapatid.
Ito ang papa ko kasama ang pamangkin ko

Noong ako`y nakapag-enroll sa high shool bilang 1st year ay kasama ko noon ang aking ama at ina May 6 ang enrollment noon kaya umabot pa ang papa ko sa pag-papaenroll sa akin.Unang araw ko pa lamang sa high school ay parang ayoko nang pumasok kinabukasan dahil nahihiya pa ako kasi wala pa akong kakilala kung hindi yung mga ka-batchmate ko noong nasa elem pa ako syempre hindi ko naman ka-close yyung lahat.Nag 2nd year ako ay marami na akong nakilala hanggang mag 3rd year ako ay may organisasyon akong sinalihan ito ay ang C.A.T o Citizenship Advancement Training na pinamumunuan ni Mr.William E. Marfori,na enganyo akong sumali kasi nakita ko maraming guro ang natutuwa sa maga volunteers at officers nito pati masaya kasi marami akong makikilalang mga bagong kaibigan at crush.



Si LOpez at Ako

Noong ako`y 4th year ako ya may naging crush ako si Jeric Philippi Musa,kaso parang wala akong dating sa kanya kaya ibinaling ko na lang ang pagtingin ko sa iba.Naghanap ako nung nagpapasaya sa akin tuwing nalulungkot ako at pag nakikita ko sya ay nagiging masaya ako.Si Lopez na yun kasi sya lang naman ang kaligayahan ko naramdaman kong mahal ko sya nung kami ay nasa summer training kami.Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya maalis sa isip ko at `di ko sya kayang alisin,kahit matapos kami ng high school walang papalit sa kanya dito sa puso ko.I want to stay with him,and look him lot a very long time.Hinding-hindi ko babaguhin ang pagmamahal ko para sa kanya.Gagawin ko ang lahat para makasama kko sya sa habang buhay.
Ito na ako ngaun





Ang Aking Talambuhay (Lindsay Alimagno)

Habang ako ay ipinagbubuntis ng aking ina,nasa isip nila na kapag lalake ang anak ang ipapangalan ay Jhon Leonard at kung babae naman ay Lindsay.Pero sabi daw nila na sana babae ang kanilang maging anak dahil gustong gusto ng mama ko na babae ang kanyang maging anak.At sa katuwaang palad natupad ang kanilang gusto na babae at ako nga ay ipinanganak.

Nung ako ay isinilang na pinangalanan nga sa akin ay Lindsay.Masayang masaya ang aking mga magulang ko at kapamilya.Ang cute ko daw.Ang lusog ng akin katawan.

Nung ilang months palang daw ako mahiligna daw akong isama ng aking lola kung saan saan para
daw paglaki ko ay masanay na ako.Hanggang sa ako ay nag ilang taon ang dami kong handa syemre mas marami parin ang bisita.Ngunit may sinabi ang sila na hindi daw nila malilimutan nang ako ay 3 buwan pa lamang.Ang aming si puge na aso ay muntik na daw akong kainin dahil wala daw akong kasama sa kwarto tulog daw ako noon.Naanduon daw ang aso naming si puge at bigla akong nagising at umiyak ng umiyak.Hanggang nakita akoako ni puge at nakapanhik sa aking higaan.Muntik na daw akong sunggaban buti na lang daw at dumating ang aking lolo kaya napaalis agad ito.Habang kinukuwentp ito sa akin ng aking mam akoy natatawa at nagkaroon din ng takot.Dahil kung iisipin ay matatawa ka talaga pero salamat at akoy hindi nio\to nakain.sabi ng mama ko lagi daw akong isinasama ng aking lola ko kung saan saan para daw masanay ako pag laki.

Sabi din nila ako daw ay paborito ng aking lolo at lola dahil ako daw ang unang apo.Hanggang ako ay nag isang taon.Ang dami kong handa syempre ang dani ko ding bisita andun din ang aking mga ninang at ninong.Noong ako ay bata pa lagi ko daw kinukuha ang candy ng aking lolo kahit nasa bibig na bastat nakita ko daw na may laman ang bibig niya
ay kinukuha ko ito.Pero sabi ng mama ko bata pa lamang daw ako noon 2 yrs old ay nawala na daw ang aking lolo.Ito daw ay inatake sa puso.Hindi ko nga tanda nung Nawala ang lolo ko siguro dahil ang bata ko pa noon.Hindi ko pa alm ang nang yayari.Pero nalulungkot din naman ako nung ikuwento sa akin ng mama ko ang nangyari sa lolo ko.

Nung 5 years old na ako ay tanda ko na ang ilang mga bagay na nangyari sa akin.Gaya ng kapag may Reynahan lagi na lang akong sinasali ng aking lola kaya naman pag may roong gaganapin na reynahan ako talaga ay kinukuha dahil sa alam nila na hindi tatangi ang aking lola.Pati kapag mag lalaba ang aking lola isinasama ako sa tubig.Tuwang tuwang pa nga ako dahil ako ay nakakapaglandi at langoy ako,tapos lagi din akong nag tatampisaw.Tuwang tuwa din sa akin ang mga mag lalaba doon lagi nilang pinipisil ang aking pisnge tapos lalawayan pa nila at sasabihing pera balis ako ay surng sura kapag ako ay nilalawayan ang suplada ko nga daw noong bata ako kapag may pinupuntahan ang lola ko,lagi akong kasama.Minsan nga ilang araw din akong hindi kasama ng aking mama at papa ko dahil malimit duon kame natulog sa aming pinupuntahan.Pinakagusto kong pinupuntahan namin ay sa Quezon.Taga duon kasi ang aking ibabg kamag-anak.

Malimit kaming nandoon kapag tag indian mango lagi kaming nangunguha ng mga pinsan ko ang saya saya.Hanggang sa ipinanganak na aking kapatid nasi Kenneth Lloyd,syempre noong una nag seselos ako lalo na kung kinikiss siya ng aking mama at papa especially ng aking lola.Pero kahit ganon mahal ko ang aking kapatid at syempre sa akin parin ang attention ng aking lola.KAso dumating ung oras na nag kasakit ang lola ko 9 years old na ako nuon.Ilang linggo nasa ospital ang aking lola araw araw akong dumadalaw sa kanya.Tapos gumaling din siya.Naiuwi na sa amin.Tuwing maga lagi kming naglalakad lakad kasama ang aking kapatid para ma excersise si lola araw araw din naming ginagawa iyon.Tapos sinusubuan ko siya tuwing kakain akala ko nga ayos na talaga ang lola ko.Ngunit nung umaga pag gising ko,nagiiyakan sila.Tinanong ko si tita ayan kung bakit nag iiyak,hindi siya naimik noon.Akala ko pa naman napagsabihan lang siya hindi ko na ito pinansin.

Pinuntahan ako ng aking mam sa aking kwarto at sinabing wala na si lola nung una hindi ako naniniwala dahil nga ang alam ko ay magaling na siya.Tapos yon naniwala lang ako nung nagpunta ako sa kanila at nakita ko nga na wala na siya.Hindi ko alam ang aking gagawin dahil hindi ko matnggap na wala na siya.Hanggang sa ililibing na siya hindi ko lubos maisip na wala na talaga siya masyado akong nahirapan.

Nung nailibing na siya alang araw na akong hindi napasok dahil naaalala ko siya.Siya ang nag hahatid,nag papakain at sumusundo sa akin ang dami kong naaalala sa kanya.Pero isang araw sabi sa akin ng aking mama ko sa tingin mo neng magiging masaya ang lola mo kung hindi ka papasok?Tapos sabi pa niya diba may promise ka sa lola mo na mag tatapos ka ng pag aaral.Matapos niyang sabihin sa akin iyon nasa isip ko na tama ang aking mama.Kaya kinabukasan pumasok na ako.Mama ko na ang nasundo nag hahatid sa akin ng pagkain sa araw araw.Pero minsan naiisip ko din ang aking lola ngunit ang naiisip ko na lang siguro masaya ang aking lola ngayon.

Hanggang sa ako ay 12 years old na nakagraduate ng elementary tuwang tuwa silang
lahat lalo na ako salamat at tapos na ako ng elementarya. mayron ding handa dami ding pumunta at may ilang nag regalo , tapos ngayon ay high school na ako. Nung unang pasok,sabi
ko sa sarili ko marami kaya akong magiging kaibigan sinu sino kaya sila?
Hanggang sa marami nga akong naging kaibigan.Tapos ito na rin yung oras.Dumadating nasa aking yung tinatawag na love sa una masarap pala talagang magkaroon ng love.Pero dumating dain pala yung oras na may masasaktan may isang mangiiwan.Ang sakit pa ka ganun kaya nasa isip ko hindi muna ako magiging seryoso sa buhay pag ibig dahil baka isang araw ako ay masaktan ng todo.

Ngayon ako ay 4th year na.Ang daming dumaang pagsubok sa aking buhay lalo na sa aking magulang.Pero lahat ng iyon ay nalampasan namin kaya ngayon akoy 4th year na.Ginagawa ko ang aking BEST para sa saliang GRADUATE kana LINDSAY ALIMAGNO
j






Ako ngayong 4th year 15 years old


Sunday, February 20, 2011

Ang Pakikipagsapalaran sa Buhay


(Ang talambuhay ni Shiela Potenciano)

Ako si Shiela Abinguar Potenciano ipinanganak noong Oktubre 26, 1994 na ngayon ay 16 taong gulang na, Ako ay lumaki at namulat kasama ng aking mga magulang at kapatid sa BagongSilangCaloocan City,kung saan kami
ay nakatira noon.Doon ako nagsimulang mangarap da
hil sa mahirap naming buhay.

Noong bata ako,limang taong
gulang ay gusting –gusto kong pumasok sa school,pero
ang isa kong ate ang pumapasok noon dahil kailangan kong gamutin ang mga sugat ko,naiingit ako sa ate ko noon kase sya ang pumapasok pero lagi
naman akong kasama ng mama ko pag hatid sa kanya,habang ang
papa ko ay nag tatrabaho sa
isang pabrika ng papel.,at dahil dun
bawat usong laruang teks nun ay meron kami kasi tuwing uuwi si
papa galing sa trabaho ay pitong taon na ako ng pumasok sa paaralan, sobrang excited kodahil marami akong nakilala,pero kasabay nun ang pagiging mahiyain ko sa ha
rap ng madaming tao hangang sa hinahatid na ko ng mama ko kasabay si ate,Unang beses na tinuruan akong magsulat
ay hindi ako nag sulat napagalitan ako ni mama,itinali
ako at mga kami
ay ko at yun ang dahilan kung paano ako natutong magsulat noon.
Mahilig akong sumama noon sa ate ko
at sa mga kalaro nya sa panonood ng sayawan na pagkatapos ay mayroong premyo.Isang beses ay sumali sila at nakisali ako kahit
hindi ko alam ang sayaw,pagkatapos nun ay hindi nakuha ni ate
ang premyo dahil hin
di daw maganda ang sayaw dahil sa akin,sa bahay nalang ako nag-
papraktis ng kung ano-anong sayaw na ang tugtog ay k
anta ng sexbomb.Madalas din akong making sa radyo
na ang kanta ay kayJezza Zaragosa na paborito ko n
ung bata pa ako .



Nalungkot ako nung malaman kong hindi na kami mag kakaklase,umiyak ako sa harap nila na para ko na nadin silang kapatid,dahil matagal ko na silang kasama. Pero kahit ganun ang nangyari napag usapan pa din namin na sa classroom lang kami mag kakahiwalay hiwalay ay sabay padin dapat.Nung unang pasukan ay hindi pa ako sana’y na wala
sila at ganun din naman sila,pero nung mga ilang lingo na ang nakakalipas nagkaroon na din ng kaniya-kanyang barkada at ka- close na mga classmate.

Kahit madameng nagbago sa amin, isa- isa kaming
nag adjust para hindi m
awala ang friendship.Ngayon ay friendship pa din kami,at Masaya na din kahit may iba ng kasama sa araw- araw dahil mag kaka-iba kami ng schedule ng oras namin. Masaya na din ako dahil hindi nabago ang sec.ko straight D.padin . Mga bagong classmate
pero karamihan naman ay classmate ko pa din dati.Nag karoon din ako ng friendship sa room na ngayon ay “TROPAPOTXZ”naman My dabarkads sila ang kasama ko,ka kwentuhan, at ka chikahan sa room,sa room namin friends of friends ko na din sila kase mag kakasundo kami.
Nagkaroon kami ng swimming ng mga classmate ko sa country side Masaya,at nag enjoy naman kami kahit hindi kami kumpleto,last time ko na din makapag swimming sa country side,wala kaming baon pang tang halian,nag aambagan sila para sa bigas at ulam ang na imbag ko lang siguro nun ay 10 pesos kasi wala akong dalang pera,sumama lang ako kasi nag promise ako na sasamahan ko sila. Nag-ulam kami ng itlog na ang pinag lutuan nila ay yung kalderong pinagsaingan
Namin,pag kaluto ng itlog ay kanya kanyang parte na hanggang sa mag durog durog pati ang kanin namin ay hinati hati na din,sa isang dahon ng saging kami kumain,nag ulam din kami ng PIC –A dahil kulang ang itlog at ketsup na binili nila,ang saya kase pang agawan at may naubusan pa. Wala
din kaming inumin na tubig,pag katapos kumain ay nag takbuhan sa pool at naglaro naman,ako
huling nataya pero nung huhulihin ko na si janos ay nag-ayawan na sila.Ilang oras lang umuwi na din kami,wala kaming pamasahe papalabas nag kataon pa naman din na ulan at maputik ang kalsada hindi kami makatawid kase merong tae ng kabayo at putik sa gitna ng kalsada ang ginawa namin ay umakyat kami
sa bakod dahan dahan at habang umaakyat kami ay may video pala na nailagay pa nila sa face book at ipinost pa dun sa fb. Ang saya din nang araw
na yun para sakin kase first time kong nakasama yung ilan kong bagong classmate sa ganung pagkakataon.Ngayon malapit na ang aming pag tatapos madame kaming pangarap para sa aming sarili, pamilya na nais namin matupad. Ako at ang aking pangarap ay gusto kong tuparin hangang sa ma iahon ko na sa hirap ang aking pamilya at magkaroon kami ng sarili naming bahay. Ang bawat karanasan ko ang aking gagamitin para mas maging matatag pa sa pag harap sa mga problemang tatahakin at kakaharapin ko sa bawat pag subok sa aking buhay. Dito na po nagtatapos ang kwento ng aking buhay .

JS PROMENADE 2010

Friday, February 18, 2011

Makulay na Buhay

(talambuhay ni Camille Aira G. Alega)





this is me .. :)

Ako ay si Camille Aira G. Alega labing-anim na taong gulang, na katira sa P. Alcantara St.,San Pablo City,Laguna. Ipinang-anak ako noong Setyembre 27,1994 sa Brgy. Concepcion San Pablo City.Ang aking mga magulang ay sina Chona Alega at Reynaldo Alega. May dalawa akong kapatid sina ramon at Isabel. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid.Nagsimula ang buhay ko sa pag-iibigan ng nanay at tatay ko eto ang kwento ng buhay ko….

Nagsimula ang pag-iibigan ng aking mga magulang nang minsan may nang liligaw ky inay isang “seaman” ngunit hindi ito gusto pero patuloy pa din. Makaraan ang ilang araw ay nagpasama si “seaman” sa tatay ko isang “trycicle driver” lang. Ngunit nang nanliligaw si “seaman” kay inay, nakapokus ang tingin ni inay kay tatay. At makaraan ng ilang araw ang tatay ko naman ang naligaw ngunit hindi alam ni “seaman”. Pero ayaw ng pamilya ni inay kay tatay dahil ito ay isa lamang “trycicle driver”at “high school graduate” lang ang natapos. Hindi nagtagal sinabi na nila ang totoo kay “seaman” at natanggap naman niya ito ng maluwag. Sa tagal na din nila ni tatay ay natanggap na ito ng pamilya ni inay at pagkatapos ni inay sa kolehiyo ay nagpakasal sila ni tatay.

ako at kuya

Nang makalipas ang isang taon ay iniluwal ni inay sa sinpupunan ang una nilang anak ni tatay,isang lalake ngunit may kapansanan ito sa paa dahil pinaglihi ito sa sambot ng manok. Hindi naman ito nagging hadlang sa kuya ko nakakapaglaro pa ito,tulad ng habulal at mahilig din magbasketbol. Apat na taon naman ang nakalipas ipinanganak naman ni inay ang isang babae na ang “cute cute”, maputi at malusog nang lumaki na ay nag-iba ang lahat at ako ito. Isang taon naman ang nakalipas ipinanganak naman ni inay ang isang babae na naman na super kulit at taray ito ay ang aking bunsong kapatid.

1st b-day ko

nung bininyagan ako at si inay

baby ako

Dito ko na sisimulan ang kwento ko. Nung “baby” pa ako ay daming nag-alaga sa akin dahil parehas naghahanap buhay ang nanay at tatay ko. Nang ako ay apat o limang taon super kulit ko daw at ang dami kong nagging kaibigan at kalaro. Ang hindi ko makakalimutan ang isa sa mga kaibigan ko na nasa Aklan ngaun. Pagnaulan kc madalas kami maligo, naglalaro sa sanaw at pagmaababanlaw naman ay sabay pa din kami. Pagkaraa ng isang taon ay umalis na sila sa San Pablo at bumalik na sa Kalibo, Aklan.Hindi ko din makakalimutan ang amin pagkakaibigan.

Minsan iniwan kami ng nanay at tatay sa lola ko, pagsapit ng tanghalian ay pinatutulog kami ngunit ayaw naming kaya ang ginawa naming ng kapatid ko ay umikot ng Subd. at tumakbo dahil my dalang pamalo si lola nang matapos namin magpahabol ay daretso kami sa bahay naming sabay saran g pinto. Sasabihin ng lolo naming “wag kayong lalabas” habang natawa kami ng kapatid ko. Pagkaalis ni lola bubuksan naming ang pinyo at lumabas kami, dahan dahan kaming naglakad sa harapan ng bahay ni lola para hindi kami makita.

Sumapit na ang anim na taon ko ay pumasok na ko ng kinder at di ko makakalimutan sa sobrang kulit naming ay nagalit ang guro naming at pinagsarhan kami ng pinto. Umiyak ang iba kong kaklase at ang isa naman ay nagpumilit pagkasyahin ang katawn sa butas ng pinto at ito ay nagkasya, ito ay si Weiland isa sa mga nagging kaibigan ko nakain pa yan ng damo daig pa ang kambeng. Nang malapit na an gamin “graduation” ng kinder tnanong kami ng guro naming kung an ang gusto naming paglake at ang akin ay guro,ang iba naman ay pulis. Habang ako ay nagsasalita sa unahan ay na utal ako angsabi ko pa nga ay”pwede po bang ulitin” iba ang naramdaman ko noon parang napahiya ako.

Minsan pinapili ako ni inay kung san daw ako papasok ng elementary sa Concepcion ba o sa Central, ang sabi ko sa Concepcion ngunit hindi pumayag si inay baka daw mapabarkada ako at baka masira ang pag-aaral ko. Nang pumasok na ako sa Central nahirapan ako makahanap ng kaibigan kaya madalas ako hindi na pasok tatanong ng nanay ko “bakit hindi ka pumasok” ang sabi ko naman ay “masakit ang ulo”.

7th b-day ko.

Pauline,Isabel,Bulet

Nang magpitong taon ako kasama ko sa letrato ang isa sa mga kaibigan ko si Pauline. Ang saya ko nang araw ng kaarawan ko nagdatingan mga pinsan ko taga malayo. Makaraan ang ilan buwan sa hindi inaasahn ay binawian ng buhay ang lolo ko sa kanya kmi madalas humingi ng pera at inaabangan namin sa sa kanto upang humingi pagpanalo sa sabong limang piso ang ibibigay samin.

Grade 2 ako nang minsan mag-aalasais na ay hindi pa kmi kinakaon ni inay sa iskul buti na lang kasama ko kuya ko,paiyk na sana ako nun, dahil natatakot ako. At madalas pumunta sa miting naming si tatay dahil lagging bisi sa trabaho si inay. Grade 5 naman ako lagi kami natambay sa oval ng mga kaklase ko at ang hindi ko makakalimutan ayang mga estudyante ng Bagong Pook ay nambato ng bato natamaan ang isa kong kaklase sa ulo at ito ay dinala sa hospital upang tahiin ang sugat. Sa edad kong ito sari saring laro ang nalalaro ko tulad nang pogs,lastik at iba pa. Si Alysa ang madalas kong kapara sa mga laro. Nauubos ang pera ko sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Naalala ko noon panalo ako sa lastik pinagbenta ko pa, bagos pagnaubos ako naman ang bibili sa kanila.

Nang sumapit ako ng secondary ay maraming nagbago sakin halos hindi ko na nakakasama mga kaibigan ko dahil nakakita ako ng bago halos araw-araw nasa lake kami at nagbabike, nagkataon naman ay yung palda ko naipit sa kadena at nung umuwi na ako ay napagalitan ako ni inayat para daw tinahi ang palda ko. Madalas ako noon pagalitan dahil sa sobrang tigas ng ulo ko. Pag mag-uutos sina inay ay dapat may upa pag-ala hindi nila ako nautusan.

relatives ko

mga pinsan ko

Anna,Isabel,Ate Carmela,Ate P.A at ako

.

Ito ang letrato namin sa Paraiso Beach Resort sa Sariaya, Quezon. Taon taon nandyan kami ng mga pinsan ko. Nang huhuli pa kami ng dikya na sobrang kate. Ibang saya pa din pagbuong pamilya ang magkakasama.

“3rd year” ako ng madapuan ako ng sakit kalahating buwan akong hindi nakapasok noon dahil sa typhoid. Hindi alam ni inay kung anung gagawin nya sa sobrang pag-aalala at nagkataon naman na paalis noon si inay papuntang ibang bansa. Pagkaraan ng isang araw ay ihahatid na naming si inay pero ang sama pa din ng pakiramdam ko. Kaya hindi ko alam kung ano gagawin.

Noong umalis si inay dami na nagbago samin nabibili nga naming ang gusting bilhin pero ang saya pagbuo ang pamilya. Naiinggit nga ako pagnag-uuwian mga tita ko pero dapat naming tiisin kasi para samin yun .

4-d

Ngayon 4thyear ay natutuwa ako dahil sa tagal nang panahon na gusto kong makatapos ng sekondarya ay mangyayari kung ako ay makakapasa. At kasabay ko pang gragraduate ang kua ko. Kaso sa tatlo kong kaibigan na nakatampuhan ko ay ilan buwan na din kami hindi nag-uusap hanggang ngayo. Dito ko na tinatapos ang kwento ko. Salamat pos a pagbasa.!!





Tuesday, February 15, 2011

Ang Batang Puno ng Pangarap

(Talambuhay ni Alvin L. Bigata)

Ako si Alvin L.Bigata ng agosto ika 25 ng 1993 pinanganak ako sa simple naming tahanan ng tabon tabon irosing sorsogon pangatlo ako sa pitong magkakapatid . pangkaraniwan lng an gaming pamumuhay mag sasaka ang aking ama na si Gilyermo Bigata at ang aking ina na man ang nag aalaga sa amin mag kakapatid na si Avilina Bigata . Masaya na man kami sa araw araw na lumilipas kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

Ng bata pa ako sabi ng aking ina ay gala raw ako kung saan saan ako pumupunta inaabot kami ng mga kaibigan ko sa labas ng gabi kaya madalas akong mapalo noon lagi kaming kumukuha ng bayabas sa bukid. Natatandaan ko pa nga ng minsan akong umuwi ng gabi sa amin bahay dahil naligo kami sa ilog ng bata pa ako napalo pa ako ng aking ama. Ng tumungtung ako ng grade1 sa Tabon-tabon Irosing Sorsogong Elementary School marami akong natutuhan sa aking mga guro magbasa, magsulat. At magbilang.
masaya ako dahil marami na akong kalaro pagkatapos ng aming pag aaral at ng mag grade 2 ako sa tabon –tabon nasubok ang katatagan ng aking pamilya nakulong ang aking ama dahil nahuli itong nag puputol ng puno o illegal lagin.

Ng bata pa ako

Mahirap ito para sa amin lalong lalo na sa aking ina dahil ang aking ama ang naghahanap buhay sa aming pamilya. Mahirap ang buhay namin dahil nga nakakulong ang aking ama wala kaming pinagkukunan ng pera para matustusan ang aming pangangailangan kaya naman nag pasya ang aming ina natumira muna kami sa aming lolo at lola.

Ng tumungtong ako ng grade2 ay nakatira ako sa aking lola alis at ang iba kuna man kapatid ay nakina lola Nayda at ang aking ina ay nag hahanap buhay. Nag pasya ang aming lolo na sa tita ko na ako tumira dahil nga matanda na sila pinapunta ako ng aking lolo dito sa san Pablo para mag aral kasama ng aking tita o tinatawag kong ngayong mama delfs. Ng una ko palamang dumating dito sa san Pablo ay mahirap dahil kailang mong makisama sa mga tao sa buhay mo pero unti-unti kay natutuhan ko narin makisama sa kanila dito na rin sa san Pablo ako nag grade 3 sa san
Pablo central school section 14 ako.


JS prom. ng 3rd year ko

Upang maipag patuloy ko ang aking pag aaral. Naging guro ko noon sa Miss.Whung nahirapan akong nag adjust dahil iba ang salita dito sa san Pablo kaysa sa bicol pero dahil na rin sa tulong ng aking guro ay natutuhan ko na rin ang salita dito. Masaya ako dahil marami akong nagging kaibigan palagi nga kaming nag lalaro ng sekyo pag kakaayas na min galing sa school. natapos ang taon dun narin ako nag grade 4 5 hanggan grade 6 ako. Isa sa diko malilimutan ay ng malapit na ang pag tatapos ko ng elementarya Masaya na may


halong kaba dahil panibagon buhay na man sa high school.habang tumatagal ay nakasanayan ko na dito sa san Pablo mahirap man na mawalay sa pamilya dahil nga hindi ko nakikita ang aking mga magulang halos 9 years ko na silang hindi nakikita. At ng pumasok ako sa dizon high ay kabado ako dahil panibagong kaklase bagong guro pero Masaya dahil nakaabot ako ng high school. Habang tumatagal ay unti unti ko ng nakikila ang aking mga kamag aral marami na rin akong nagging kaibigan ko.



Hanggang matapos amg taon ng first year ko bilang section d. ng secong year ako Masaya sapagkat nakasali ako sa volley ball team ng dizon high mahirap sya dahil lagi kaming pagod pero Masaya dahil sa pag lalaro ay marami akong nagging kaibigan ko. Nagging 4th lang kami noon. Lumipas ang mga araw ay naging 3rd year ako sa dizon high. Hindi parin nag iiba ang section ko D parin ako naging adviser ko noon si Gng. Lydia Gonzales. Masaya dahil naranasan na min ang JS prom halos kasali kaming lahat ng aming kaklase. Hanggang matapos ako ng 3rd year nalungkot ako dahil marami sa aming mga kaklase ay nag iba ng mga section. Kay hito ako ngayun bilang 4th year student ng dizon high dahil pinangako ko sa sarili ko na makakapagtapos ako ang pag aaral para matulungan ko ang aking pamilya at mapag aral ko ang aking mga kapatid o! pano hanggang dito na lang muna at patuloy ko pangtutuparin ang aking mga pangarap.

Ang Aking Pamilya