Monday, February 21, 2011

Ang Aking Talambuhay (Lindsay Alimagno)

Habang ako ay ipinagbubuntis ng aking ina,nasa isip nila na kapag lalake ang anak ang ipapangalan ay Jhon Leonard at kung babae naman ay Lindsay.Pero sabi daw nila na sana babae ang kanilang maging anak dahil gustong gusto ng mama ko na babae ang kanyang maging anak.At sa katuwaang palad natupad ang kanilang gusto na babae at ako nga ay ipinanganak.

Nung ako ay isinilang na pinangalanan nga sa akin ay Lindsay.Masayang masaya ang aking mga magulang ko at kapamilya.Ang cute ko daw.Ang lusog ng akin katawan.

Nung ilang months palang daw ako mahiligna daw akong isama ng aking lola kung saan saan para
daw paglaki ko ay masanay na ako.Hanggang sa ako ay nag ilang taon ang dami kong handa syemre mas marami parin ang bisita.Ngunit may sinabi ang sila na hindi daw nila malilimutan nang ako ay 3 buwan pa lamang.Ang aming si puge na aso ay muntik na daw akong kainin dahil wala daw akong kasama sa kwarto tulog daw ako noon.Naanduon daw ang aso naming si puge at bigla akong nagising at umiyak ng umiyak.Hanggang nakita akoako ni puge at nakapanhik sa aking higaan.Muntik na daw akong sunggaban buti na lang daw at dumating ang aking lolo kaya napaalis agad ito.Habang kinukuwentp ito sa akin ng aking mam akoy natatawa at nagkaroon din ng takot.Dahil kung iisipin ay matatawa ka talaga pero salamat at akoy hindi nio\to nakain.sabi ng mama ko lagi daw akong isinasama ng aking lola ko kung saan saan para daw masanay ako pag laki.

Sabi din nila ako daw ay paborito ng aking lolo at lola dahil ako daw ang unang apo.Hanggang ako ay nag isang taon.Ang dami kong handa syempre ang dani ko ding bisita andun din ang aking mga ninang at ninong.Noong ako ay bata pa lagi ko daw kinukuha ang candy ng aking lolo kahit nasa bibig na bastat nakita ko daw na may laman ang bibig niya
ay kinukuha ko ito.Pero sabi ng mama ko bata pa lamang daw ako noon 2 yrs old ay nawala na daw ang aking lolo.Ito daw ay inatake sa puso.Hindi ko nga tanda nung Nawala ang lolo ko siguro dahil ang bata ko pa noon.Hindi ko pa alm ang nang yayari.Pero nalulungkot din naman ako nung ikuwento sa akin ng mama ko ang nangyari sa lolo ko.

Nung 5 years old na ako ay tanda ko na ang ilang mga bagay na nangyari sa akin.Gaya ng kapag may Reynahan lagi na lang akong sinasali ng aking lola kaya naman pag may roong gaganapin na reynahan ako talaga ay kinukuha dahil sa alam nila na hindi tatangi ang aking lola.Pati kapag mag lalaba ang aking lola isinasama ako sa tubig.Tuwang tuwang pa nga ako dahil ako ay nakakapaglandi at langoy ako,tapos lagi din akong nag tatampisaw.Tuwang tuwa din sa akin ang mga mag lalaba doon lagi nilang pinipisil ang aking pisnge tapos lalawayan pa nila at sasabihing pera balis ako ay surng sura kapag ako ay nilalawayan ang suplada ko nga daw noong bata ako kapag may pinupuntahan ang lola ko,lagi akong kasama.Minsan nga ilang araw din akong hindi kasama ng aking mama at papa ko dahil malimit duon kame natulog sa aming pinupuntahan.Pinakagusto kong pinupuntahan namin ay sa Quezon.Taga duon kasi ang aking ibabg kamag-anak.

Malimit kaming nandoon kapag tag indian mango lagi kaming nangunguha ng mga pinsan ko ang saya saya.Hanggang sa ipinanganak na aking kapatid nasi Kenneth Lloyd,syempre noong una nag seselos ako lalo na kung kinikiss siya ng aking mama at papa especially ng aking lola.Pero kahit ganon mahal ko ang aking kapatid at syempre sa akin parin ang attention ng aking lola.KAso dumating ung oras na nag kasakit ang lola ko 9 years old na ako nuon.Ilang linggo nasa ospital ang aking lola araw araw akong dumadalaw sa kanya.Tapos gumaling din siya.Naiuwi na sa amin.Tuwing maga lagi kming naglalakad lakad kasama ang aking kapatid para ma excersise si lola araw araw din naming ginagawa iyon.Tapos sinusubuan ko siya tuwing kakain akala ko nga ayos na talaga ang lola ko.Ngunit nung umaga pag gising ko,nagiiyakan sila.Tinanong ko si tita ayan kung bakit nag iiyak,hindi siya naimik noon.Akala ko pa naman napagsabihan lang siya hindi ko na ito pinansin.

Pinuntahan ako ng aking mam sa aking kwarto at sinabing wala na si lola nung una hindi ako naniniwala dahil nga ang alam ko ay magaling na siya.Tapos yon naniwala lang ako nung nagpunta ako sa kanila at nakita ko nga na wala na siya.Hindi ko alam ang aking gagawin dahil hindi ko matnggap na wala na siya.Hanggang sa ililibing na siya hindi ko lubos maisip na wala na talaga siya masyado akong nahirapan.

Nung nailibing na siya alang araw na akong hindi napasok dahil naaalala ko siya.Siya ang nag hahatid,nag papakain at sumusundo sa akin ang dami kong naaalala sa kanya.Pero isang araw sabi sa akin ng aking mama ko sa tingin mo neng magiging masaya ang lola mo kung hindi ka papasok?Tapos sabi pa niya diba may promise ka sa lola mo na mag tatapos ka ng pag aaral.Matapos niyang sabihin sa akin iyon nasa isip ko na tama ang aking mama.Kaya kinabukasan pumasok na ako.Mama ko na ang nasundo nag hahatid sa akin ng pagkain sa araw araw.Pero minsan naiisip ko din ang aking lola ngunit ang naiisip ko na lang siguro masaya ang aking lola ngayon.

Hanggang sa ako ay 12 years old na nakagraduate ng elementary tuwang tuwa silang
lahat lalo na ako salamat at tapos na ako ng elementarya. mayron ding handa dami ding pumunta at may ilang nag regalo , tapos ngayon ay high school na ako. Nung unang pasok,sabi
ko sa sarili ko marami kaya akong magiging kaibigan sinu sino kaya sila?
Hanggang sa marami nga akong naging kaibigan.Tapos ito na rin yung oras.Dumadating nasa aking yung tinatawag na love sa una masarap pala talagang magkaroon ng love.Pero dumating dain pala yung oras na may masasaktan may isang mangiiwan.Ang sakit pa ka ganun kaya nasa isip ko hindi muna ako magiging seryoso sa buhay pag ibig dahil baka isang araw ako ay masaktan ng todo.

Ngayon ako ay 4th year na.Ang daming dumaang pagsubok sa aking buhay lalo na sa aking magulang.Pero lahat ng iyon ay nalampasan namin kaya ngayon akoy 4th year na.Ginagawa ko ang aking BEST para sa saliang GRADUATE kana LINDSAY ALIMAGNO
j






Ako ngayong 4th year 15 years old


No comments:

Post a Comment